|
Euphoria.
ANGELIE|SIXTEEN|FOURTHYEAR|PROUDYFC
. Dating imyoursyouremine na naging bastusing-bata, angbatangsuperhero, chinitangmapusok. . High school pa lang ako. . ADD NIYO KO SA PEYSBUK :D . DIARY . RANDOM . USAPANG PAG-IBIG . KUMUKOWTS EDITION . TYPOGRAPHY AT WORDARTS . STORY-TELLING . BOW |
Merong lumalayo hindi dahil GALIT. Yung iba, ginagamit lang to para di tuluyang MAHULOG. Sana maintindihan ng mga tao na hindi lahat ng oras nandyan ka lang sa tabi nila; handang makinig sa mga hinaing nila; at handang magpasensya ‘twing ikaw ang napagbubuhusan ng sama ng loob. Sana maintindihan nila na hindi lahat ng oras e kaya mong saluhin ang mga problema. Minsan ikaw din ang may mga problemang hindi mo na kayang itago. Minsan kelangan mo rin ng tulong, ng makikinig at iintindi na hindi lahat ng oras e ikaw ang maaasahan. Minsan kelangan mo rin ng taong sasandalan, na minsan pakiramdam mo hindi mo na rin kaya, na minsan gusto mo nalang sumuko. Sana maintindihan nila na minsan kelangan mo rin ng tulong. Posted on
Mon, May 28, 2012 @ 9:52 pm
/ Reblog /
Pakiramdam ko kasi kapag sumuko ako sa kaniya, kasalanan ko na lahat. Pero hindi e, hindi ganun ang pagmamahal. Hindi nakasalalay sa kamay ng iisang tao lang ang pagwowork ng isang relationship. Hindi lang ikaw ang kelangang mag-hold on at lumaban. Hindi porke’t sumuko ka na e kasalanan mo na kung ba’t kayo nagkahiwalay. Minsan kasi, nagawa na natin lahat ng kaya nating gawin at ang natitira nalang e ang bumitaw. Posted on
Mon, May 28, 2012 @ 6:12 am
/ Reblog /
Kasi kahit hindi mo aminin, alam kong nasasaktan ka.
Posted on
Mon, May 28, 2012 @ 5:15 am
/ Reblog /
Nakakapagod tiisin ka.
“Ayoko na talaga. Hinding-hindi ko na siya babalikan. Never!” Okaaaaay, pang-128387578563981378913462634 never mo na ‘yan. Tell me more.
Posted on
Fri, May 25, 2012 @ 8:36 am
/ Reblog /
Ang tunay na maganda Hindi na kelangang ng Photoshop bago mag-upload.
Posted on
Thu, May 24, 2012 @ 8:39 am
/ Reblog /
Minsan kelangan mo ring isnabin yung taong hindi mo matiis para makita niyang hindi habang-buhay ka niyang pwedeng paghintayin.
The more and more I spend time with you, the more and more I realize that I am doing the one thing I told myself I would never do again to other people, and that is falling in love. Dear Yves, Alam mo bang ang mga katulad mo ang dahilan kung bakit maraming babae ngayon ang isinusumpa ang lahi ninyong mga lalaki? Sincerely,
Myrtle As usual, hindi ako nanunuod often ng PBB lalo na ngayon. Pero nung mapadaan sa newsfeed ko sa facebook yung isa sa mga nangyare kagabi, pumunta agad ako sa tumblr at nagsearch sa tags. Dun ko lang nabasa ulit yung tungkol sa panghaharanang ginawa ni Yves kagabi at sa naging reaksyon ni Myrtle at ng ibang tao. Point of view ko ulit to at alam kong biased dahil gusto ko naman talaga si Myrtle pero, yeah. Kasi kahit ako rin naman, ganun din ang mararamdaman ko. Hindi naman natin maiiwasang mahulog sa taong laging pa-sweet at nag-aalaga sa atin diba? At inamin naman noon ni Myrtle na crush niya si Yves, at kung sinasabi niya man na wala na siyang feelings para kay Yves ngayon, baka way niya lang yun para umiwas sa masasamang pwedeng isipin ng mga housemates tungkol sa kaniya. Tsaka kahit sino naman na gagawan ni Yves ng ganun e mako-confuse diba? Alam mong may girlfriend siya, pero dinedeny niya sa’yo at linalandi ka niya, hindi ba confusing yun? Tsaka sana wag kayong hypocrite, alam naman natin na kung sa inyo nangyare yun, masasaktan din kayo. Napaasa ka na nga, napahiya ka pa. Ang tinugtog niya e yung same song na kinanta niya rin kay Myrtle nuon kaya malaki ang possibility na isipin ni Myrtle na para sa kaniya yun. Tsaka kung crush mo ba ang gumawa sa’yo ng ganun, di ka ba aasa? Di ka ba masasaktan? Di ka ba iiyak? Konting pa-tingin2 at ngiti pa lang nga ng crush mo, mag-aassume ka na, pano pa kaya pag-I love you na? Ayt. Please understand. Sana bago kayo mag-judge, ilagay niyo muna yung sarili niyo sa situation na ‘yon. Kung ikaw ba, masasaktan ka rin ba? |